Mag-aapply para sa Child Care Connection Hawaiʻi?
Narito ang mga tip!
Sino ang pwedeng mag-apply?
- Magulang (birth, adoptive, foster, hānai) o legal na tagapag-alaga ng bata.
- Kailangan ka ng tulong sa pagbayad ng pangangalaga ng iyong anak at ikaw ay:
- Nagtatrabaho
- Nag-aaral
- Malapit na magsisimulang magtrabaho
- Job training
Ano ang iyong kakailanganin
- Ikaw, bilang aplikante ay kailangang pumasa ng mga kopya ng iyong valid state o government-issued ID at kung ikaw ay may kasamang mag-apply, ang kanya ring valid state o government-issued ID.
Kung ikaw ay self-employed, ang mga sumusunod ay minimum na kailangan. Ang mga kakailanganin ay nag-iiba depende sa uri ng negosyo.
- GE tax license
- G-45 tax filing form o Tax returns
- Ang income o kita sa nakalipas na 2 buwan bago ang petsa ng pag-apply
- Katunayan na ikaw ay may trabaho/nag-aaral/ may alok na trabaho o job offer/job training:
- Pay stubs (mainam kong 2 buwan, pero OK lang kung isang buwan)
- Alok galing sa employer na may petsa kung kailan magsisimula (maaring makahingi nito sa employer)
- Dapat isama sa job offer ang iskedyul sa petsa ng pagsisimula, iskedyul ng trabaho (araw at oras na may pasok) at impormasyon sa sweldo (magkano, kailan at gaano kadalas bayaran)
- Dapat isama sa pagpapatunay sa job training ang petsa ng pagsisimula at pagtatapos
- Ang mga school enrollment forms na nagpapakita ng credit o oras na naka-enrol
- Mga araw ng may pasok sa buong linggo
- Iskedyul sa online class
- May napipili na o nakokonsiderang child care provider na gagamitin.
- Makatutulong ito sa oras ng pakikipagpanayam upang ang case manager ay makapagdala ng akmang dokumento sa napiling provider.
- Kung ikaw ay wala pang napili or walang ideya sa kahit anong provider, ang CCCH ay makatulong sa iyo sa pagkonek sa PATCH, kung saan sila ang makapagbigay suporta sa pagpili ng mga lisensyadong providers.
Bago ipadala, siguraduhing …
- Ang iyong aplikasyon ay kompleto at may lagda(at may lagda rin ng iyong kasamang aplikante).
- Nakalakip ang mga kopya ng Department of Health Birth Certificate sa lahat ng kasamang anak na menor de edad.
- Kung ikaw ay nag-order ng certificates at hindi pa dumating, ipadala ang recibo galing sa Department of Health. Kailangan ka paring mag-submit ng kopya ng birth certificate kapag ito ay dumating na pero dito na magsisimula ang proseso sa iyong aplikasyon.
Link: https://vitrec.ehawaii.gov/vitalrecords/
- Kung ikaw ay nag-order ng certificates at hindi pa dumating, ipadala ang recibo galing sa Department of Health. Kailangan ka paring mag-submit ng kopya ng birth certificate kapag ito ay dumating na pero dito na magsisimula ang proseso sa iyong aplikasyon.
- Isinama mo ang mga kopya ng iyong (aplikante) valid state o government-issued ID (at ng valid state o government-issued ID ng iyong kasamang aplikante).
- Kung ikaw ay may trabaho, isinama mo ang patunay sa nakalipas na 2 buwang kita; kung hindi, isinama mo ang sulat sa alok na trabaho (job offer letter).
Pagkatapos mong mag-apply
- Kung tumawag upang magfollow up sa status, kung possible ay mag-iwan ng detalyadong mensahe kabilang na ang pangalan at aktibong contact number upang ikaw ay matawagan ulit. Mahalaga ang pag-iwan ng numero!
- Pagkatapos mapasa at marehistro ang aplikasyon, ang pakikipagpanayam sa telepono ay kailangang kompletuhin upang matukoy kung angkop o karapat-dapat ka sa CCCH program.
- Pagkatapos ng pakikipagpanayam, ang mga dokumento ay ibibigay upang kompletuhin mo at ng iyong provider. Mayroon lamang 10 araw na palugit sa pagbabalik sa mga dokumentong ito.
- Ang mga dokumento ay pwedeng i-faxed, mailed, emailed o dropped off sa kahit saang opisina ng CCCH. Maaaring sumangguni sa pinakamalapit na opisina para sa impormasyon ukol sa fax, mail at email.
List of resources and documents
- Child Care Connection Hawaiʻi Subsidy Information: http://bit.ly/ccch_info
- Child Care Connection Hawaiʻi Offices’ Contact Information: http://bit.ly/ccch_contact
- Need help finding available care? PATCH can help! https://www.patchhawaii.org